Kabataan ang Pag-asa Laban sa Katiwalian
akda ni Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban



Isang ikinukubling kasamaan,

Sinasamantala ang mamamayan,

Nanunulot mula sa kabang-yaman,

Inuna ang sariling kapakanan.


Ano ‘tong gawaing katiwalian,

Parasitikong pinagpipiyestahan,

Bansang kalusugan at kayamanan,

Ating bayan, lugmok sa kahirapan.


Kumakalat na impeksyon sa bayan,

Agarang lunas ang s’yang kailangan,

Animo’y anay sa kapaligiran,

Araw at gabi ay nagkakainan.


Ang malisyosong kanser ng lipunan,

Ang ugat ay nasa kaibuturan,

Na marapat puksain at labanan,

Patungo sa kaunlaran ng bayan.


Tanging pag-asa ay ang kabataan,

Simulang makilahok sa usapan,

Tayo’y magkaisa at magtulungan,

Para sa magandang kinabukasan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito