Mula Sa Malayo Lamang akda ni Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban Ang iyong ganda'y gaya ng sinag ng araw Napakaliwanag at nakasisilaw Ako'y nabibighani sa iyong ningning Ngunit, napakainit na parang apoy Gusto ko man malapitan ka, oh aking mutya Ngunit takot ako, baka ako'y masunog Kaya't narito ako, mula sa malayo lamang Mithiing makita ka, ngunit hindi makapiling Ang araw mo man ay magliwanag nang matindi At ako'y mag-iiwan ng bakas ng pagtingin Maging alaala ka, habambuhay sa akin Hanggang dulo, ikaw ang pinapangarap ko nang labis.
Mga Post
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kabataan ang Pag-asa Laban sa Katiwalian akda ni Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban Isang ikinukubling kasamaan, Sinasamantala ang mamamayan, Nanunulot mula sa kabang-yaman, Inuna ang sariling kapakanan. Ano ‘tong gawaing katiwalian, Parasitikong pinagpipiyestahan, Bansang kalusugan at kayamanan, Ating bayan, lugmok sa kahirapan. Kumakalat na impeksyon sa bayan, Agarang lunas ang s’yang kailangan, Animo’y anay sa kapaligiran, Araw at gabi ay nagkakainan. Ang malisyosong kanser ng lipunan, Ang ugat ay nasa kaibuturan, Na marapat puksain at labanan, Patungo sa kaunlaran ng bayan. Tanging pag-asa ay ang kabataan, Simulang makilahok sa usapan, Tayo’y magkaisa at magtulungan, Para sa magandang kinabukasan.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Isyu / Paksa Kabayanihan ( Patriotism ) Mga Talinghaga Tuta Akrostik BAYAN MUNA PAMAGAT B awal ang mga utak-dayuhan, A nimo’y tutang sunud-sunuran, Y an ay iwasan at ‘di tularan, A ng ating pambansang kasarinlan, N awa’y ingatan at pangunahan. M ga minamahal kong kababayan, U nahin ang karapatan at kapakanan, N g ating minumutyang bayan, A t kaunlaran ay siguradong makamtan.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kaalaman Mula Sa Karanasan Paksa 1: Isalaysay ang iyong mga karanasan at magbahagi ng ilang mga kabatiran sa proseso ng pagbuo ng isang dula. Ang kaalamang natamo sa pamamagitan ng karanasan ay higit na nakahihigit at maraming beses na mas kapaki-pakinabang kaysa sa librong kaalaman. (“Knowledge gained through experience is far superior and many times more useful than bookish knowledge.”) - Mahatma Gandhi Ang proseso ng pagbuo ng isang dula ay nakakapagod, nakakaubos ng oras, at nakakapagbigay-nerbiyos sa lahat ng mga sangkot dito. Ang punong mandudula ay may pananagutan sa pagsulat ng script, at pagsunod sa lahat ng mga patay-guhit na kasama ng mga responsibilidad nito. Ang direktor ang siyang nag-aayos at namamahala sa mga blocking ng bawat aktor at nag-aalala tungkol sa itsura ng dula sa pananaw ng madla. Para sa mga aktor naman, kailangan nilang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga karakter na kanilang gagampanan at kabisaduhin ang lahat ng kanilang mga linya. Hindi naman n...