Mula Sa Malayo Lamang
akda ni Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban



Ang iyong ganda'y gaya ng sinag ng araw

Napakaliwanag at nakasisilaw

Ako'y nabibighani sa iyong ningning

Ngunit, napakainit na parang apoy



Gusto ko man malapitan ka, oh aking mutya

Ngunit takot ako, baka ako'y masunog

Kaya't narito ako, mula sa malayo lamang

Mithiing makita ka, ngunit hindi makapiling



Ang araw mo man ay magliwanag nang matindi

At ako'y mag-iiwan ng bakas ng pagtingin

Maging alaala ka, habambuhay sa akin

Hanggang dulo, ikaw ang pinapangarap ko nang labis.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito