Kaalaman Mula Sa Karanasan


Paksa 1: Isalaysay ang iyong mga karanasan at magbahagi ng ilang mga kabatiran sa proseso ng pagbuo ng isang dula.


Ang kaalamang natamo sa pamamagitan ng karanasan ay higit na nakahihigit at maraming beses na mas kapaki-pakinabang kaysa sa librong kaalaman. (“Knowledge gained through experience is far superior and many times more useful than bookish knowledge.”) - Mahatma Gandhi


Ang proseso ng pagbuo ng isang dula ay nakakapagod, nakakaubos ng oras, at nakakapagbigay-nerbiyos sa lahat ng mga sangkot dito. Ang punong mandudula ay may pananagutan sa pagsulat ng script, at pagsunod sa lahat ng mga patay-guhit na kasama ng mga responsibilidad nito. Ang direktor ang siyang nag-aayos at namamahala sa mga blocking ng bawat aktor at nag-aalala tungkol sa itsura ng dula sa pananaw ng madla. Para sa mga aktor naman, kailangan nilang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga karakter na kanilang gagampanan at kabisaduhin ang lahat ng kanilang mga linya.


Hindi naman naging puro trabaho na lang ang proseso ng pagbuo ng dula, bagkus nakapagbuo kami ng malalim na ugnayan at mas nakilala namin ang isa’t isa sa aming pangkat. Napakasaya rin ng mga sesyon ng pag-eensayo namin dahil kami ay nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isang karanasan na aming maibahagi sa isa’t isa at sabay na matamasa ang mga tagumpay at kabiguan sa bawat hakbang sa paghuhusay ng aming dula.

Gayunpaman, para sa akin, ang araw ng pagtatanghal ay ang hantungan ng lahat ng aming pagsisikap at pagpupunyagi tungo sa ikagaganda ng aming presentasyon. Ang paglahok at pagtayo sa entablado at pagganap sa harap ng madla ay nakakapagbigay ng pananabik, paru-paro sa tiyan at mga kakaibang nararamdaman lamang kapag ikaw ay nasa harap at gumaganap sa isang dula. Ngunit kasabay nito ay ang pagkawala mo sa iyong sarili at ikaw ay natatangay sa mundo ng inyong dula. Pagkatapos ng matagumpay na pagtanghal ay may kakaibang kasiyahan at pagmamalaking iyong madadama, na nabigyan ninyo ng hustisya ang kuwento ng dula at mahusay ninyong naipabatid ang mensahe ng inyong dula. Ang gantimpalang matanggap ay patunay lamang sa sama-samang talino at talento ng pangkat na magaling na naipamalas at ang parangal ay katumbas ng pinagsamang paghihirap, pagpupunyagi at pagsusumikap upang maging magaling kaysa karaniwan.


Sa pangkalahatan, naging mabunga ang aking karanasan at sabik na inaabangan ko ang susunod na pagkakataon na ako ay maging bahagi ng pagtatanghal ng isang dula.

Mga Komento

  1. Masaya akong naging mabunga ang inyong pagsisikap! Baunin mo nawa ang mga aral sa karanasang ito at harinawa'y mapanood kita muling umaarte sa isang dula sa hinaharap! Padayon!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito