Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2023
  Mula Sa Malayo Lamang akda ni Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban Ang iyong ganda'y gaya ng sinag ng araw Napakaliwanag at nakasisilaw Ako'y nabibighani sa iyong ningning Ngunit, napakainit na parang apoy Gusto ko man malapitan ka, oh aking mutya Ngunit takot ako, baka ako'y masunog Kaya't narito ako, mula sa malayo lamang Mithiing makita ka, ngunit hindi makapiling Ang araw mo man ay magliwanag nang matindi At ako'y mag-iiwan ng bakas ng pagtingin Maging alaala ka, habambuhay sa akin Hanggang dulo, ikaw ang pinapangarap ko nang labis.
Kabataan ang Pag-asa Laban sa Katiwalian akda ni Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban Isang ikinukubling kasamaan, Sinasamantala ang mamamayan, Nanunulot mula sa kabang-yaman, Inuna ang sariling kapakanan. Ano ‘tong gawaing katiwalian, Parasitikong pinagpipiyestahan, Bansang kalusugan at kayamanan, Ating bayan, lugmok sa kahirapan. Kumakalat na impeksyon sa bayan, Agarang lunas ang s’yang kailangan, Animo’y anay sa kapaligiran, Araw at gabi ay nagkakainan. Ang malisyosong kanser ng lipunan, Ang ugat ay nasa kaibuturan, Na marapat puksain at labanan, Patungo sa kaunlaran ng bayan. Tanging pag-asa ay ang kabataan, Simulang makilahok sa usapan, Tayo’y magkaisa at magtulungan, Para sa magandang kinabukasan.